Negosyante Stories: SUPER CECILE

October 02, 2015

Bata pa man, business-minded person na si Ms. Cecile Kabigting, sa edad na 18 yrs old, nagpapautang na siya sa mga factory workers sa Cavite, kung saan nakatira ang kanyang tiyahin. Noong year 2002 bumili siya ng rights ng isang Resto Bar, pinalago niya ito at ngayon, mayroon na itong 5 branches.

Noong October 2014, naisipan ni Ms Cecile na magkaroon ng Barangay Burger Franchise. Ayon kay Ms Cecile, nakadagdag ito ng income sa kanilang pamilya at nakatulong rin ito sa pagbibigay ng trabaho sa kanyang bayaw at sa kanyang mga crew. Sa ngayon, mayroong 5 Barangay Burger outlets and 1 Brgy Silog Outlet na si Ms. Cecile. Isa sa mga malakas at magandang outlet niya ay ang Barangay Burger sa Jenny’s Rosario Pasig, malapit ito sa palengke, mga food and business establishments at daanan ng mga sasakyan. Karamihan sa kanyang mga customer ay mga estudyante at call center agents.

Cecile Kabigting Cecile Kabigting
Kabigting Family Kabigting Family
Barangay Burger Jenny’s Rosario Pasig Barangay Burger Jenny’s Rosario Pasig

Ayon sa kanyang mga empleyado masipag, mabait, marunong makisama at determinadong tao si Ms. Cecile. Malaki ang naitulong niya sa kanila sapagkat nabigyan sila ng trabaho at nabago niya ang kanilang pamumuhay dahil sa mga naituro at naitulong niya.

Kailangan may pang-unawa at huwag masyadong mahigpit sa mga empleyado. Mahalaga na alagaan ang mga empleyado ng maayos dahil mahirap makahanap ng matinong employee sa panahon ngayon. Ilan lamang ito sa mga sikreto ni Ms. Cecile sa kanyang pagnenegosyo. Ayon kay Ms Cecile, inspired siyang mag negosyo dahil sa mga natutulungan niyang magkaroon ng trabaho. Ang nais lamang ni Ms Cecile ay makatulong pa sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at mapagtapos niya ang kanyang mga anak sa pagaaral.

Masaya kami para sa patuloy na pagunlad ng inyong mga negosyo, Ms Cecile!. Saludo kami sa inyo dahil napagsasabay niyo ang inyong mga negosyo at ang family niyo, kayo ay isang Super Cecile!, tunay na inspirasyon po kayo! More power and more branches!


Do you want to share your experiences with us? Contact us at +639176218246.